2 nag-suicide sa Bulacan

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao ang kusang nagpasalubong kay kamatayan sa naganap na magkahiwalay na suicide sa Bulacan  kamakalawa at kahapon ng umaga. Si Noel Cle­mente, 26, ng Barangay Mahabang Parang sa bayan ng Sta. Maria ang nagbigti sa bahay ng kanyang lola sa Barangay Sullivan, Baliwag, Bulacan kahapon ng umaga. Sa impormasyong nakalap nina PO3 Dante Castillo at PO2 George Jay Cruz , naging desperado at malulungkutin ang biktima makaraang kalasan ng kanyang syota kaya nagbigti sa palikuran ng bahay ng kanyang lola. Samantala, si Bryan Garcinela na miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ay nagbaril sa bibig na tumagos sa likurang bahagi ng ulo. Ayon kay PO3 Homer Abaya, si Garcinela ay sinasabing problema sa pamilya kaya isinagawa ang pagpapakamatay sa Army barracks sa Barangay Akle, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi.

 

Show comments