Kagawad namagitan sa away, ginulpi

MANILA, Philippines - Gulpi-sarado ang inabot ng 56-anyos na barangay kagawad makaraan itong mamagitan sa away ng kapatid at mag-amang siga sa Barangay Manapa, ba­yan ng Buenavista, Agusan del Norte kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Romeo Abamo ng Purok 5 habang nasakote at nahaharap naman sa kasong kriminal ang mag-amang suspek na sina Arturo Bagnol, 40; at Argel Bagnol, 18, mga nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Romaldo Bay­ting , spokesman ng Caraga PNP, lumilitaw na binugbog ni Arturo ang kapatid na si Ernesto Bagnol dahil sa hidwaang magkapatid.

Gayon pa man, tumakbo si Ernesto sa bahay ni Kagawad Abamo para humingi ng tulong.

Itinago naman ni Abamo si Ernesto sa loob ng kaniyang bahay kaya sumiklab ang galit ng mag-amang suspek kaya siya ang pi­nagdiskitahang gulpihin.

Show comments