Misis na pipi inutas ng mister na pipi

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang matinding panibugho na nauwi sa selos ang isa  sa motibo kaya sinaksak at napatay ng 28-anyos na mister na pipi ang kanyang misis na isa ring pipi kamakalawa sa Barangay San Nicolas, Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.?

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Yvette Dela Cruz, 29, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Mark De Cruz.?

Sa salaysay ng biyenang si Macario Dela Cruz, nasa silong siya ng bahay na nanood ng telebisyon at hindi namalayang nag-aaway na ang mag-asawa hanggang sa napasigaw ang manugang.?

Tumambad sa matanda ang duguang biktima na nakabulagta habang tulala ang anak nitong hawak ang patalim sa loob ng kanilang kuwarto.?

Sa kanyang pagsuko, isinenyas ng suspek sa imbestigador na sobrang selos ang dahilan ng kanyang panibugho dahil sa mga naririnig na tsimis na mayroong kinalolokohang ibang lalaki ang kanyang misis.

 

Show comments