Hepe ng tanod, nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Napatay ang hepe ng barangay tanod makaraang barilin ng di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang mag-ina sa Barangay Quirino, bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Rogelio Taliping, hepe ng Cordon PNP ang biktima na si Basilio Biclad Sr. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kanyang mag-ina mula sa pamamasyal nang harangin at barilin ng ulo. Inaalam ng mga imbestigador ng pulisya kung may kaugnayan sa pamamaril ni Biclad sa kanyang bayaw na nakaligtas noong nakalipas na linggo.

 

Show comments