P500K halaga ng shabu nasabat sa Cam Sur

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang babae ngayong Lunes matapos mahulihan ng hindi bababa sa P500,000 halaga ng shabu sa Camarines Sur.

Kinilala ng Philippine Drugs Enforcement Agency ang suspek na si Delia Magno.

Nasakote si Magno sa isang buy bust operation sa Barangay San Jose, Bula, Camarines Sur bandang alas-6 ng umaga.

Nabawi mula sa suspek ang 105 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P525,000.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Magno, habang ang mga nakuhang ilegal na droga ay pag-aaralan.

Show comments