Mister iniwan ni misis, nagpakamatay

MANILA, Philippines - Matapos iwanan ng kanyang misis, isang  29-anyos na mister ang nagpakamatay  sa Zamboanga del Sur.

Ang biktima ay nakilalang si  Joel Gutierrez, magsasaka  ng Barangay Kabuhi, Mahayag, Zamboanga del Sur.

Sinasabing ang bangkay ng biktima ay natagpuan ganap na alas-9 ng umaga sa loob ng kanyang bahay.

Sinasabing Hunyo 26 , tuluyang iiniwan ng kanyang misis na nakilalang si  Michelle ang nasawi matapos ang pag-aaway dahil sa bisyo at pagiging seloso ng lalaki.

Nagbanta pa umano ang mister na kapag umalis si Michelle sa bahay ay magpapakamatay siya na binalewala naman ng misis at tinotoo naman ng biktima.

Show comments