Pakialamerong bayaw tinodas

BULACAN, Philippines - - Kamatayan ang sinapit ng pakialamerong bayaw matapos na tadtarin ito ng saksak ng mister ng kanyang kapatid sa Barangay Look 1st, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Bulacan Medical Center ang biktimang si Benedicto Dela Cruz, 48, kawani ng lokal na pamahalaan ng Malolos City. Samantala, nasakote naman ang suspek na si Wilfredo Miranda, 42, ng Purok 2 sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon nina PO3 Romulo Palma at PO2 Danilo Torres, isinagawa ng suspek ang krimen sa bahay ng biktima bandang alas-7:30 ng gabi. Nabatid sa asawa ng suspek na si Crisencia Dela Cruz, nagtanim ng galit ang kanyang mister laban sa biktima dahil sa ilang ulit na nakikialam sa kanilang away mag-asawa.

Show comments