3 suspek sa pagpatay sa hotel owner nadakip na, 1 kumanta

MANILA, Philippines – Idinetalye ng isa sa tatlong suspek sa pagpatay kay Crown Regency Hotel owner Richard King ang naging pagpaslang sa negosyante matapos masakote ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, isinalaysay ng 39-anyos na si Rommel dela Cerna ang pagpatay kay King sa loob ng pag-aari ng bikitima na Vital Building noong Hunyo 12.

Isa umanong pulis ang nagpatumba kay King ayon kay Dela Cerna na kasamang nadakip ang kapatid niyang si Rodel at isang alyas Paul Molina.

Sinabi ni Dela Cerna na nakatanggap ng tawag si Molina mula sa isang pulis at pinakukumpirma kung nasa loob ng gusali si King.

Matapos makumpirmang naroon ang negosyante ay pumasok ang gunman at binaril sa ulo si King.

Tumakas ang gunman sakay ng motorsiklong minaneho ni Rodel.

Nakakulong ngayon ang tatlong suspek sa Intelligence Section ng Davao City Police Office (DCPO).

Show comments