Killer ng barangay chairman, tiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  â€“ Arestado ang pa­ngunahing suspek sa pagpatay sa isang barangay chairman sa inilatag na operasyon ng pulisya sa Barangay Liwliwa, bayan ng Angadanan, Isabela kamakalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Reymundo Aumentado ng Cauayan City Regional Trial Court sa kasong murder, inaresto ang akusadong si Jimmy Fontanilla, 45, ng nasabing bayan. Sa ulat na nakarating kay Isabela PNP director P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr., si Fontanilla ay res­ponsable sa pagpatay sa biktimang si Chairman Rosendo Segismundo ng Barangay Anonang sa katabing bayan ng San Guillermo noong 2013.
 Ayon sa pulisya, nakilala ng ilang testigo ang suspek matapos barilin nito ang biktima sa Barangay Burgos sa nasabing bayan.

 

Show comments