Bike vs bike: 2 dedo, 2 grabe

NORTH COTABATO , Philippines  -  Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa bayan ng Surallah, South Cotabato kamakalawa. Ayon sa report ng Surallah PNP Traffic Division,  kinilala ang mga biktima na sina Rubin Sarsabadilon, 50, ng Barangay Little Baguio; at Remie Rosal Palma ng Barangay Sinulon sa bayan ng T’boli. Nasa kritikal namang kalagayan ang asawa ni Palma na si Rosemalyn at ang anak nitong si Jay Mark Palma. Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Surallah PNP traffic section ang dalawang motorsiklo habang patuloy namang ginagamot sa ospital sa Koronadal City ang mag-inang Palma.

 

Show comments