2 dakma sa 500 gramo ng shabu

CAVITE, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang sibilyan na sinasabing notoryus na drug pusher matapos arestuhin ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency at lokal na pulisya sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Batong Dalig sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Lloyd Victa, 29, ng Brgy. Amaya 4, Tanza, Cavite; at Marilou Cai, 48, ng Retirees Village sa Brgy. Mulawin, Tanza, kapwa kilalang nagpapakalat ng bawal na droga sa nasabing barangay. Nakumpiska sa mga suspek ang 500 gramo ng shabu na nakatakdang ibenta.

Show comments