3 tinamaan ng kidlat

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Nangisay at namatay ang 23-anyos na magsasaka habang dalawang nitong kasama ang malubhang nasugatan makaraang tamaan ng kidlat habang nagtatanim sa gitna ng palayan sa Barangay Lantag, bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Simon Damolkis, hepe ng Sta. Cruz PNP ang namatay na si Bonifacio Fabro Jr. habang  kritikal namang isinugod sa Ilocos Training and Medical Center sa bayan ng San Fernando, La Union sina Ramsey Fabro, 26, utol ni Bonifacio; at Carlo Magno, 24. Nabatid na kasalukuyang nagtatanim ng palay ang mga biktima nang bumuhos ang ulan kung saan kumulog at kumislap sabay kidlat na tumama sa tatlo.

 

Show comments