QUEZON , Philippines – Pinagtataga hanggang sa mapatay ang 49-anyos na mister ng kanyang kapitbahay na lalaki kaÂugnay sa pinag-awayan sa kanilang bakuran, kamakalawa ng hapon sa Sitio Pantalan, Barangay Manato sa bayan ng Tagkawayan, Quezon.
Nagmistulang kinatay na karne ng hayop ang biktimang si Benjamin Abayon habang tugis na ng pulisya ang suspek na si Alberto Malto, 35.
Sa ulat ng pulisya, nagkainitan ang suspek at biktima tungkol sa mga halamang ligaw na napapapunta sa kanilang mga bakuran noong Lunes (Hunyo 9).
Umabot sa barangay hall ang pag-aaway ng dalawa hanggang sa mamagitan na ang kanilang chairman ng barangay at pinagkasundo ang dalawa. Subalit kamakalawa ng hapon ay natiyempuhan ng suspek ang biktima na naglalakad at isinagawa ang krimen.