Ex-OFW, nag-suicide

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Iniinda pa rin ang depres­yon mula ng umuwi mula sa gitnang silangan ng isang overseas Filipina worker na sinasabing pinagmalupitan ng kanyang amo ang nagpasyang magpakamatay matapos itong tumalon mula sa tulay sa kahabaan ng highway sa Barangay Palattao, bayan ng Naguilian, Isabela kamakalawa.
 Durog at nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang si  Jennilyn Natividad ng Barangay Sunlife matapos tumama ang ulo sa concrete base ng 50-metrong taas ng tulay. Ayon sa mga kaanak, tuliro at wala sa katinuan ang biktima simula ng umuwi ito sa kanilang bayan dahil sa naranasang pagmamalupit ng  kanyang employer sa Saudi Arabia.

Show comments