Mister nag-amok: Misis, 2 pa minasaker

NORTH COTABATO, Philippines - - Dahil sa pag-aakalang  naiputan sa ulo o napendeho, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang mister na nag-amok ang kaniyang misis at dalawang sibilyan sa naganap na masaker sa Barangay Datal Dlanag, bayan ng T’boli, South Cotabado kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Alvin Sumi­ri, trabahador ng Sumifru Company, nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib; Nora Piang, at isang alyas Bunyong.

Sina Sumiri at Bunyong ay natutulog sa bunkhouse ng mga trabahador ng Sumifru nang pasukin at pagbabarilin ng suspek na si Jerry Piang na armado ng Garand rifle.

Sugatan naman ang kasamahan ni Sumiri na si Johnny Zapanta at ang anak ng suspek na si Jaypee Piang na naisugod sa South Cotabato Provincial Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang dumating ang nagwawalang si Piang na naghahamon ng away habang galit na hinahanap ang kaniyang misis at ang sinasabing karelas­yong si Ruben Latam na pinagtataksilan umano siya.

Nang walang kumasa ay pinasok ang bunkhouse ng Sumifru na tinutulugan ng mga trabahador at napagdiskitahang barilin at napatay si Sumiri.

Binaril din ng suspek ang natutulog na si Michael Abas at ang guwardiya pero hindi tinamaan habang mabilis naman itong tumakas.

Gayon pa man, pagda­ting ng suspek sa kanilang bahay ay pinagbabaril naman hanggang sa mapatay ang kanyang misis habang sugatan naman ang anak nito, patuloy naman ang pagtugis laban sa suspek.

Show comments