Empleyado ng Muntinlupa city hall itinumba

MANILA, Philippines – Patay sa pananambang ang isang empleyado ng Muntinlupa City Hall ngayong Miyerkules.

Ayon sa ulat, nakilala ang biktimang si Wilfredo Pastrana ng city assessors office.

Pinagbabaril si Pastrana sa kahabaan ng national road na sakop ng Barangay Putatan, Muntinlupa.

Sakay ng motorsiklo ang mga suspek na kaagad tumakas matapos itumba ang biktima.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng kalibre .45 pistol.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Show comments