MANILA, Philippines — Anim na taon at isang buwang pagkakakulong ang sintensya ng Sandiganbayan sa dating alkalde ng San Manuel, Pangasinan dahil sa pagbili ng overpriced na computer noong 1998.
Sinabi ng anti-graft court na bumili si Salvador Perez ng isang desktop computer sa halagang P120,000 kung saan hindi ito dumaan sa public bidding.
Lumabag ang dating alkalde sa Section 3(e) of Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991.
Binili ni Perez ang computer sa Starlet Sales Center sa Tondo, Maynila, habang nakapangalan naman ang purchase order sa Mobile Link Enterprises sa Mandaluyong City