Bahay sinalpok ng truck

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isa ang patay habang tatlo naman ang malubhang nasugatan matapos salpukin ng truck ang bahay sa gilid ng highway sa Soldiers’ Hill Subd. sa Barangay Caggay, Tuguegarao City kamakalawa.
 Kinilala ni PO3 Melvin Labang ang namatay na si Faustino Bitanga, 41, helper, ng Barangay Libag Norte habang kritikal naman ang driver na si Mariano Cordoba at mga kasamahang sina Marcelo Malana, 25; at Vincent Arugay, 35. 
Lumalabas sa imbestigasyon na iniwasan ni Cordoba ang kasalubong na kotse na nang-agaw ng kanyang linya. Sa pag-iwas ni Cordoba ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at tuluyang inararo ang ginagawang kanal hanggang salpukin ang bahay na pag-aari ni Conrado Magtalas.
 Gayon pa man, wala naman nasaktan sa loob ng bahay ni Magtalas matapos salpukin ng truck.

 

Show comments