2 todas sa road mishap

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na namatay matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng Gapan-Olongapo Road sa Barangay Alua, bayan ng San Isidro, Nueva Ecija noong Lunes ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Crizaldo Nieves, kabilang sa mga sasakyang nagkarambola ay ang asul na Nissan Sentra (ZAW 186) ni Aries dela Cruz, puting trailer truck  (LPN RKN 526) ni Rodrigo Pascual at ang pampasaherong jeepney (MDP 763) ni Mar Senia, 26, ng Sto Cristo, San Isidro. Base sa ulat, sinalpok ng kotse ang trailer truck ni Pascual bago nahagip ang jeepney ni Senia. Nagtamo ng matinding sugat si dela Cruz kaya namatay at ang isa sa tatlong pasahero nito na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Show comments