6-taong-gulang tiklo sa pagtutulak ng shabu

MANILA, Philippines – Ginamit ng isang 20-anyos na suspek ang anim-na-taong gulang na lalaki sa pagtutulak ng ilegal na droga sa bayan ng Kabaca, North Cotabato.

Bukod sa bata, may dalawa pang menor de edad na ginamit si Alvin Alamada nang pagbentahan ng shabu ang undercover na pulis.

Tiklo si Alamada at tatlo pa niyang kasama sa sting operation ng Kabacan police at Criminal Investigation and Detection Group.

Nakatago sa school bag ng bata ang ibinebentang shabu ni Alamada.

Dadalhin sa Department of Social Welfare and Development ang nadakip na bata at ang dalawa pang menor de edad.

Show comments