2 Army utas sa pananambang

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  - Dalawang sundalo ng Phil Army ang napatay matapos tambangan ng mga rebeldeng  New People’s Army kahapon ng umaga sa Purok 4, Sitio Banasan sa Barangay San Ramon, bayan ng Daraga, Albay. Nakilala ang dalawa na sina Sgt. Servando Bautista at Pfc. Daniel Solinap Jr., kapwa nakatalaga sa 902nd  Infantry Brigade sa Barangay Villahermosa sa nasabing bayan. Sa inisyal na ulat ng pulisya, pabalik sa kampo ang mga biktimang magkaangkas sa motorsiklo mula sa civil military operation sa Barangay Nabasan nang tambangan ng mga rebelde pagsapit sa nabanggit na barangay.

Show comments