MANILA, Philippines - Sinuspinde na ng Philippine National Police (PNP) ang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa buong lalawigan ng Pangasinan, isang linggo matapos na paslangin si Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong Jr.
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Director Alan Purisima.
Ayon kay Mayor, epektibo nitong Biyernes ay ipinatupad ang pagsuspinde sa PTCFOR na naglalayong mabawasan ang mga insidente ng karahasan sa lalawigan.
Noong nakalipas na Hunyo 7 ay pinagbabaril ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan si Mayor Balolong na ikinasawi rin ng security escort nitong si PO1 Eliseo Ulanday, isang empleyado at pagkasugat naman ng tatlong iba pa. Si Balolong ay kapartido ni Pangulong Benigno Aquino sa Liberal Party.
Nabatid na kamakalawa ng gabi ay nakipaglamay si PNoy sa burol ni Balolong at tiniyak ang hustisya sa naÂsawing alÂkalde. Samantala, dalawa namang suspek na sina Eduardo de Guzman at Marito Perez ang nasakote sa krimen kamaÂkailan.