LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot sa 28 mga hepe ng pulisya at isang intel officer ang sinibak sa kanilang mga puwesto matapos na mabigong makapasa sa isinagawang performance target na ipinalabas ng pamunuan ng pulisya dito sa Bicol Region.
Ayon kay Chief Supt. Victor Deona, Regional Director sa Bikolandia, ang mga sinibak na opisyal ay pawang nakaÂtalaga sa anim na lalawigan ng Bicol.
Sa press conference, sinabi ni Deona na pito sa sinibak na mga hepe ay mula sa lalawigan ng Sorsogon, apat sa Masbate, 6 sa Catanduanes, 5 sa Albay, 4 sa Camarines Sur at 3 naman sa Camarines Norte.
Nabatid na ang naturang programang ito ng kapulisan ay bahagi ng Integrated Transformation Program ng PNP na kung saan ang mga masisibak ay pawang sasailalim sa refresher training.