MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines - —Tinatayang aabot sa P20-milyong halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy matapos masunog ang dalawang lumang gusali ng Immaculate Conception School for Boys at ang limang sasakyan sa Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Umabot sa ikatlong alarma ang naganap na sunog kung saan nagsimula bandang alas-3 ng madaling araw at bandang alas-7 ng umaga ay tuluyang naapula ang apoy.
Hindi pa matukoy ng BFP ang pinagmulan ng apoy suÂbalit ayon sa security guard ng City of Malolos Water District, nagsimula ang apoy sa poste sa labas ng bakod ng ICSB sa Barangay Sto. Rosario sa nabanggit na lungsod.
Gumapang ang apoy sa isang silid sa Immaculate Conception of Malolos City hanggang kamalat sa gusali ng ICSB na katabi ng Basilica Menor of Immaculate Conception (Malolos Cathedral). Sinang-ayunan naman ni Monsignor Pablo Legazpi, rector ng ICSB, ang naging pahayag ng guwardiya.
Kaugnay nito, pansamantalang sinuspinde ang klase sa may 2,000 mag-aaral ng ICSB at tinatayang magbabalik eskwela sa Hulyo.