Mag-amo kisay sa kuryente

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Magkasama sa kamatayan ang mag-amo sa construction site makaraang mahawakan ang talop na linya ng Isabela Electric Cooperative sa ginagawang gusali sa Barangay Muñoz, bayan ng Roxas, Isabela kahapon Kinilala ni P/Chief Insp. Virgilio Abillera, hepe ng Roxas PNP, ang mga biktima na sina Alfredo Rioroso, 64, construction foreman; at Richard Bernabe, 31, construction worker. Sa imbestigasyon ng pulisya, pinagtutulungan ng dalawa ang andamyo ng gusali nang hindi nila napansin ang talop na bahagi ng nakabiting kawad ng kuryente na nakadikit sa ginagawa nilang gusali. 
Kapwa nangisay ang mag-amo matapos mapahawak sa talop na linya ng kuryente na sinasabing may kapasidad na 13, 200 boltahe. Isinugod ng mga kasamahan sa construction site ang dalawa subalit hindi na nakaabot ng buhay sa pagamutan.

Show comments