Mag-utol dinedo ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Hindi na magigisnan ng mag-utol na magsasaka ang susunod na anihan matapos silang ratratin hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Lorenzo, bayan ng Banna, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.
 Pitong bala ng cal. 45 pistol ang sumalubong sa mag-utol na sina Gregorio Gayya, 47; at Jorge Gayya, 34, kapwa nakatira sa Barangay Catagtagen sa nabanggit na bayan. Sa ulat na nakarating kay P/Inspector Joel Soriano, deputy chief of police sa bayan ng Banna, pauwi na ang magkapatid lulan ng traktora mula sa maghapong pagtatanim sa kanilang bukirin nang harangin at pagbabarilin ng tandem. Kasalukuyang inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa malagim na pamamaslang.

Show comments