CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines - – Arestado ang tatlong kalalakihan kabilang na ang dalawang pulis na itinuturong responsable sa pagpatay kay ex-insurance commissioner Eduardo Malinis sa inilatag na opeÂrasyon sa pantalan ng Batangas City, Batangas, ayon sa ulat kahapon
Kinilala ni Cavite PNP director P/Senior Supt. Joselito Esquivel ang mga suspek na sina Alfredo Bautista ng Imus City, Cavite; Arlan Aguilar ng San Mateo, Rizal; at si Telesforo Aguilar ng Bacoor City, Cavite.
Natiyempuhan ang tatlo habang sakay ng gray Toyota Hi-Ace van na patungong Puerto Galera sakay sana ng isang Ro-Ro vessel.
Sa interogasyon, sina Bautista at Arlan ay nagpakilalang mga pulis na nakatalaga sa Camp Crame habang si Teleforo naman ay nagpakilalang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-CIDG.
Gayon pa man, sa beripikasyon ng pulisya, sina Bautista at Arlan ay mga AWOL sa serbisyo habang si Aguilar naman ay pekeng CIDG.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulis para malaman kung may kinalaman ang tatlo sa pagpatay kay Malinis.
“Narekober sa mga suspek ang sasakyang ginamit na get-away noong napatay si Malinis, doon tayo mag-uumpisa sa ating gagawing imbestigasyon,†pahayag ni Esquivel
Mahaharap sa kasong usurpation of authority ang tatlo habang kasong illegal possession of firearms naman ang kakaharapin ni Bautista matapos masamsam sa kanya ang Beretta 9mm pistol at 14-bala.