Preso na ikakasal, nagbigti

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan ang 33-anyos na preso na sinasabing desperado makaraang magbigti sa loob ng kulungan sa himpilan ng pulisya sa Legazpi City, Albay kahapon ng umaga. Bandang alas-5 ng umaga nang matagpuan ni P/Insp. Reynaldo Catuera ang nakabiting katawan ni Raymund Jacob ng Barangay Bigaa sa nasabing lungsod. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Alex Pedireo, hepe ng Legazpi City PNP, si Castuera ay inaresto sa kasong child abuse noong Hunyo 9 at nakatakdang dalhin sa prosecutors office para kasuhan subalit hindi na natuloy matapos itong magbigti. Nabatid na ang biktima ay ikakasal na sana nitong Hunyo subalit nasakote ng pulisya kaugnay sa nasabing kaso.

Show comments