5.1-M lindol tumama sa Antique, 2 aftershocks naranasan

MANILA, Philippines - Ginising ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Antique at mga karatig lugar ngayong Martes ng madaling araw.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa 34 kilometro timog-silangan ng bayan ng Anini-y ganap na 5:45 ng umaga.

Naramdaman ang intensity 4 sa Anini-y, San Jose at Tobias Fornier sa Antique; Iloilo City; at sa Bago City at La Castellana sa Negros Occidental.

Intensity 3 naman ang nadama sa Oton, Iloilo, La Carlota, Negros Occidental at Jagna, Bohol, habang Intensity 2 sa Ajuy, Iloilo.

Nakapagtala din ng magnitude 4.2 na aftershock ang Phivolcs ganap na 5:51 ng umaga na naramdaman naman ang intensity 3 na epekto sa bayan ng Anini-y, San Jose, at Iloilo City.

Nagkaroon din ng ikalawang aftershock na tumama ganap na 6:12 ng umaga.
 

Show comments