2 dedo sa road mishap

CAMARINES NORTE, Philippines – Patay ang magtiyuhin makaraang bumaligtad ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo habang bumabagtas sa pakurbadang daan sa Zone 2, Brgy. San Roque, Bato, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Idineklarang dead-on-arrival sa Rinconada Medical Center ang mga biktimang sina Vic Toldanes, 19, binata, driver ng motorsiklo  at ang menor de edad nitong pamangkin na hindi natukoy ang pagkakakilanlan. Kasalukuyan namang ginagamot sa pagamutan  ang isa pang menor de edad na kaangkas ni Toldanes. Bandang alas-10:45 ng gabi habang bumabagtas sa pakurbadang bahagi ng provincial road ang Motorstar na motorsiklong ‘for registration’ nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa maaksidente ang mga ito.

 

Show comments