Sekyu todas sa agaw-bike

NORTH COTABATO, Philippines - Bulagta ang 20-anyos na security guard na nagmomotorsiklo makaraang barilin ng mga di-kilalang lalaki na nakamotorsiklo sa bahagi ng Sitio Basak, Barangay Kayaga sa bayan ng  Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Joey Abanilla Dignadice ng Barangay Ugalingan, bayan ng Carmen, North Cotabato. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, papauwi na ang biktima nang harangin at pagbabarilin bandang  alas-7:30 ng gabi. Makaraang tumilapon ang biktima sa palayan ay tinangay ng gunmen ang motorsiklo nito.

Show comments