Van vs trike: 1 estudyante utas

MANILA, Philippines - Aksidente ang sumalubong sa apat na estudyante sa unang araw ng pasukan sa Pangasinan kahapon.

Isa ang nasawi, habang tatlo ang sugatan matapos banggain ng isang van ang tricycle na ginawang service.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang grade 1 na estudyante na hindi pa rin nakikilala, ayon sa mga pulis.

Nangyari ang aksidente sa Osmena Road, Barangay Angio bandang 12:30 ng tanghali.

Minamaneho ni Barangay Inmalog Sur, San Fabian, Pangasinan captain Rogelio Hufana ang kanyang Besta na van nang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa tricycle na dala ni Rafe Dismaya.

Sakay lahat ng tricycle ang mga biktima namg maganap ang insidente.
 

Show comments