NPA inakong kinidnap ang 6 DENR men

MANILA, Philippines - Inako na ng mga rebeldeng New People’s Army ang pagdukot sa anim na surveyors ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naganap sa Barangay New Leyte, bayan ng Maco, Compostela Valley noong Biyernes (Mayo 30).

Ayon kay Captain Alberto Caber, spokesman ng AFP regional command, nagpalabas na ng kalatas ang tagapagsalita ng NPA sa Southern Mindanao na si Daniel Ibarra at inamin na sila ang responsable sa pagbihag sa anim na surveyors ng DENR.

Kabilang sa mga bihag ay sina Kendrick Wong, Nico Lasaca, Chris Favila, Matthew Cua, Jonas Loredo, at si Tim Sabina na sinasabing naaktuhang nagsu-survey gamit ang drone sa kagubatan kaugnay ng National Gree­ning Program ng pamahalaan.

Sinabi ni Caber na wala namang demand na binanggit ang mga rebelde kapalit ng pagpapalaya sa anim na DENR  Manila na kasaluku­yang iniimbestigahan ng rebeldeng kilusan.

Inihayag ng opisyal na lumilitaw sa inisyal na im­bestigasyon na pinagdudahan ang mga biktima na mga espiya ng AFP matapos na masamsam sa mga ito ang drone na sinasabing ginagamit ng militar sa pagmo-monitor sa galaw ng mga armadong grupo na banta sa pambansang seguridad.

Samantala, ayon kay Maco Vice Mayor Voltaire Rimando,  pinalaya na ang 6 na DENR surveyors sa Brgy., Infanta kahapon ng tanghali kung saan dinala kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Show comments