1 pulis patay, 2 sugatan sa pananambang sa Cavite

MANILA, Philippines – Hindi inakala ng dalawang pulis at isang impormante na sa kanilang surveillance operation ay pauulanan sila ng bala ng mga armadong kalalakihan sa lalawigan ng Cavite ngayong Lunes.

Nagmamatyag para sa kanilang anti-drug operations sina Senior Police Officer 3 Alejandro Came, Police Officer 1 Leonard Sayagadoro at Alvic Martin sa Molino Road, Brgy. Molino 3, Bacoor City kaninang alas-3 ng madaling araw nang paputukan sila ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Patay sa pananambang ang Quezon City Police District officer na si Came, habag sugatan sina Sayagadoro at ang impormante ng Philippine Drug Enforcement Agency na si Martin.

Kaagad tumakas ang mga suspek na ngayo'y inaalam ang pagkakakilanlan.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Show comments