2 tiklo sa buy-bust

CAVITE , Philippines   â€“ Kalaboso ang binagsakan ng dalawang notoryus na drug pusher makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Labac, bayan ng Naic, Cavite, kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Susana “Susan Itlog”  Bautista, 38; at Eden Clave, 48, kapwa dalaga, at mga nakatira sa bliss housing sa nasabing barangay. Ayon kay P03 Richard Atienza, ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Lerio Castigador ng Naic Regional Trial Court  Branch 15. Nasamsam sa mga suspek ang 17-plastic sachets na shabu, drug paraphernalias at ang mark money na ginamit sa operation.

 

Show comments