Bagets nilamon ng tubig-baha

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang naging kapalit sa paglalaba ng 16-anyos na bagets matapos itong tangayin ng tubig-baha sa ilog kamakalawa ng hapon sa Barangay Bucal, bayan ng Silang, Cavite. Sa imbestigasyon ni PO1 Carlito Jimeno, lumilitaw na naglalaba ang biktimang si Babylyn Cabcaban kasama ang kanyang kapitbahay nang sabihan sila na umahon muna at may parating na tubig-baha. Subalit hindi inintindi ng biktima ang panawagan ng ilang residente at nagpatuloy sa paglalaba kung saan ilang minuto ang nakalipas ay biglang dumagundon ang rumaragasang tubig-baha. Kasunod nito, tinangay ang biktima na hindi nito kinayang lumangoy at tuluyang nilamon ng ilog. Ilang oras pa bago tuluyang narekober ang bangkay ng biktima.

 

Show comments