MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 50-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng motorcycle riding gunmen habang patungo sa Bacolod-Silay Airport kamakalawa sa Silay City, Negros Occidental. Naisugod pa sa Teresita Lopez Jalandoni Provincial Hospital subalit idineklarang patay dahil napuruhan sa ulo ang biktimang si Alberto Amazona, ahente ng 2GP Company. Minamaneho ng biktima ang asul nitong multicab (YBZ 476) kasama ang kanyang mag-inang sina Leyne at Kie nang harangin at ratratin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng Mckinley Street sa Barangay 4. Hindi naman idinamay ang mag-ina ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.