Lolang desperado nagbigti

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang desperadong gumaling sa tinataglay na karamdaman kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan ang 60-anyos na lola matapos itong magbigti sa likuran ng kanyang bahay sa Barangay Legarda Uno, bayan ng Dinas, Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga. Lawit ang dila at nangingitim na  nang madiskubre ng mga kasambahay ang bangkay ni Lola Rosita Torres. Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang matanda ay may malubhang karamdaman at bukod dito ay may problema sa pananalapi na siyang hinihinalang motibo ng pagpapakamatay nito.

 

Show comments