MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nagbayad ng P3 milyong ransom sa mga bandidong Abu Sayyaf ang pamilya ng negosyanteng kidnap victim na pinalaya at inihatid pa sa Jolo airport, Sulu kamakaÂlawa. Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Martin Pinto, commander ng 2nd Marine Brigade, nagbigay ng malaking halaga ang mister ng kidnap victim na si Sugar Diane Buenviaje at isang hindi kilalang kasama nito sa Abu Sayyaf kapalit ng kalayaan ng negosyante. Bandang alas – 5 ng umaga kahapon nang abandonahin ng mga kidnaper ang bihag na si Dianne sa nasabing paliparan. Ang biktima ay halos 4-buwang bihag ng grupo nina Anguh Adji, Mudjakal Bagadi at Mahmur Jupuri matapos na dukutin sa bayan ng Mapun, Tawi-Tawi noong Pebrero 2014. Samantala, isinailalim naman sa stress debriefing at medical examination ang negosyante bago ito pinahintulutang bumalik sa kaniyang pamilya.