MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang kumpirmadong patay habang 27-naman ang nasugatan makaraang mahulog mula sa tulay ang sinasakyang truck sa Purok 9, Barangay Sinuda sa bayan ng Kitaotao, Bukidnon kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga namatay na sina Renaria Jidonia ng Davao City; Janus Aguda ng Sultan Kudarat; at si Ruth Rubina.
Patuloy namang ginagamot sa German Hospital ang mga sugatang pasahero kung saan ilan sa mga ito ay naki-hitch ride lamang sa nasabing truck.
Sa ulat ni P/Senior Inspector Evary Bacunawa, hepe ng Kitaotao PNP, naganap ang trahedya bandang alas-3 ng hapon.
Kasalukuyang bumabagtas sa Simud Bridge ang puting Forward truck (WPI 490) nang aksidente itong mahulog sa nasabing tulay.
Nabatid na kagagaÂling lamang ng nasabing truck mula sa Mountain View College at habang bumaÂbagtas sa nasabing tulay ay nasiraan ng preno kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver.
Nagtuluy-tuloy na bumulusok mula sa tulay ang truck kung saan tatlo sa mga sakay nito ang namatay.