MANILA, Philippines – Matapos ang 90 minutong engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at militar, limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi, habang dalawa ang nadakip ngayong Biyernes sa Matnog, Sorsogon.
Sinabi ng tagapagsalita ng Armed Forces Southern Luzon Command (SOLCOM) na sumiklab ang palitan ng putok bandang 5:40 ng umaga sa Sitio Hukdong, Barangay Balocawe.
Nakilala ang mga nasawi na sina Sonny Pajarello, “Ka Ryan,†“Ka Buchokoy,†Elias Gardoque at isang “Ka Randy,†na pinaniniwalaang pinuno ng kanilang pangkat.
Nadakip naman ang dalawang babaeng sina Maricel Remon alyas “Russel†at si Intia Gardoque.
Wala namang naitalang sugatan sa hanay ng mga sundalo.
Narekober ng mga awtoridad ang dalawang M653 carbine rifle, dalawang M16 rifle at isang M203 grenade launcher mula sa mga rebelde.
Iniutos ni SOLCOM chief Lt. Gen. Caesar Ordoyo ang papapalabas ng dalawang UH-1H helicopters para sa aerial combat support habang tinutugis ng mga sundalo ang iba pang rebeldeng nakatakas.
Sinabi ni Ordoyo na napigilan nila ang pag-atake ng mga NPA sa himipilan ng mga pulis at munisipyo.