BATAAN , Philippines – Pinaniniwalaang heat stroke ang ikinamatay ng dalawang preso sa loob ng kulungan matapos atakihin sa puso at hika dahil sa matinding init ng panahon sa BalaÂnga City, Bataan, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ni Jail Inspector Cliff Richard Torre, deputy warden ng Bataan District Jail ang dalawa na sina Melchor Ocampo, 44, ng bayan ng Pilar; at Edgar Angeles, 51, ng bayan ng Orion. Si Ocampo ay namatay sa hika habang si Angeles naman ay sa puso dulot ng matinding init sa loob ng kulungan. Nabatid na nagpapahinga ang dalawang bilanggo sa compound ng nasabing kulungan nang atakihin sa puso si Angeles habang si Ocampo naman ay sa hika kung saan naisugod pa sa ospital subalit namatay din.