QUEZON, Philippines - – Pinaniniwalaang matinding alitan sa lupaing sinasaka ng dalawang magsasakang namatay matapos itong magduwelo sa pamamagitan ng baril sa liblib na bahagi ng Barangay Concepcion Palasan, bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga.
Kapwa may mga tama ng bala sa ulo ang mga biktimang sina Reynaldo Heli, 41; at Warren Buela, 31, kapwa nakatira sa Barangay Bignay 2 sa nabanggit na bayan. Sa police report na nakaraÂting kay P/Supt. Joel de Mesa, iniwan ni Reynaldo ang kanyang asawa sa likuran ng kanilang bahay na naghihiwa ng mga piÂraso ng kalamias upang patuyuin.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig ng mga putok ng baril ang misis ni Reynaldo kaya kaagad naman nitong inusisa. Bumungad sa misis ang kanyang mister at si Warren na kapwa naliligo sa sariling dugo na pinaniniwalaang nagduwelo.
Nabatid na matagal ng may alitan ang dalawang magsasaka kaya nagdesisyong magduwelo. Samantala, hindi naman narekober ang dalawang baril ng biktima na sinasabing ninakaw ng naunang rumesponde sa crime scene.