Bunso pinabulagta ni kuya

CAMARINES NORTE , Philippines    - Napaslang ang 40-anyos na bunso matapos itong pagtatagain ng kanyang kuya na sinasabing desperado sa kanyang pamilya kahapon ng umaga sa Purok 1, Barangay Tarum sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte. Nabatid na nagpapahinga ang biktimang si Dioscoro Custodio sa kanilang bahay nang lapitan at tusukin sa dibdib ng suspek na si Gregorio Custodio, 50. Nagawa pang makalayo ang biktima subalit hinabol pa ito ng suspek saka pinagtataga hanggang sa mapatay. Malaki ang hinala ng mga awtoridad na hindi nito nakayanan ang problemang kinakaharap sa kanyang pamilya kaya sa bunsong kapatid  ibinaling ang pagkadesperado. Naaresto naman ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Rogelyn Calandria ang suspek sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Pambuhan.

Show comments