Trahedya sa beach resort

QUEZON , Philippines  - Napalitan ng trahedya ang masayang outing ng pamilya makaraang mamatay sa pagkalunod ang 9-an­yos na totoy sa beach resort sa Barangay Bignay 1, bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga. Malamig na bangkay nang matagpuan ang biktimang si Jonathan Plata ng Barangay Pahinga North sa bayan ng Candelaria, Quezon. Sa ulat ng pulisya, bandang alas-5 ng umaga nang magising ang biktima na sinasabing napuyat sa overnight swimming sa beach resort kasama ang kaniyang pamilya. Gayon pa man, agad nagtungo sa dagat ang biktima saka naligo subalit makalipas ang 2-oras  ay hindi na nakabalik kung saan namataan itong palutang lutang may 100-metro ang layo mula sa pampang.

Show comments