Most wanted arestado

BULACAN, Philippines - - Bagsak kalaboso ang isang No. 2 most wanted sa kasong murder sa isang babae at pagkasugat ng anak nito sa  Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan matapos itong masakote sa follow-up operation.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Santigao de Guzman, 57 anyos, contractor at residente ng Garden Village, Brgy. Pulong Buhangin.

Ayon kay Supt. Rodolfo Hernandez, bandang alas-4 ng hapon ng masakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nina Judge Rolando Bulan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 77 at Judge Olivia Escubio ng RTC Branch 79; pawang sa Malolos City.

Sinabi ni Hernandez na hindi na nakapalag ang suspek matapos mapalibutan ng arresting team sa isang convenience store.

Sa rekord naman ng korte, si De Guzman ang itinurong bumaril at nakapatay sa biktimang si Imelda Reyes, 37 at malubhang pagkasugat ng anak nitong si Jonydel Reyes, 15; mga residente ng Km. 42, Brgy. Pulong Buhangin noong Abril 2010.

Show comments