3 bata utas sa killer van

NORTH COTABATO , Philippines  - Maagang sinalubong ni kamatayan ang tatlong batang lalaki habang dalawa naman ang sugatan matapos mabundol ng van sa  Barangay Sadaan, bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon. Kinilala ang mga biktima na sina Donald James Custudio, 12; Jake Loyd Alperez, 14; at si Christian Jay Homero, 15, habang sugatang naisugod sa Kidapawan City Hospital sina Keneth Montero Silvirio at John Ryan Mendoza. Sa ulat ng pulisya, nawalan ng preno ang puting van  (MBX-766) ni Patrick Dakay Domas pagsapit sa  pababang kalsada kung saan nabundol ang limang bata na naglalakad. Pormal na kakasuhan ng pulisya si Domas, 29, ng Barangay Poblacion 2 sa nasabing bayan.

 

 

Show comments