TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines - Pinabulagta ang isang beteranong abogado na tumatayong law professor matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins sa bahagi ng Provincial Road sa Barangay San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan noong Miyerkules ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Atty. Isagani Garcia na tumatayo ring Law professor sa Cagayan State University Law School sa nasabing lungsod at sinasabing humahawak ng mga kontrobersiyal na kaso sa nabanggit na lungsod. 
Sa ulat ng pulisya, papauwi na ang biktimang lulan ng kotse mula sa nasabing unibersidad nang ratratin malapit sa post office bandang alas-8 ng gabi. Namatay ang biktima habang ginagamot sa St. Paul Hospital kung saan ang bangkay nito sa kanilang bayan sa Tumauini, Isabela.