MANILA, Philippines - Natusta ang katawan ng 3-anyos na nene makaraang makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay na tumupok din sa 30 kabahayan sa Barangay Kasanyangan, ZamboÂanga City, Zamboanga del Sur noong Miyerkules ng hapon.
Kinilala sa pangalang Bambi ang biktima na halos hindi na makilala ang bangkay matapos itong magmistulang uling sa pagkasunog. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Robert Ortega, bandang alas-3 ng hapon nang magsimulang masunog ang bahay ni Majad Irang kung saan kumalat ang apoy sa mga katabi nitong kabahayan na gawa sa mahihinang uri ng materyales.
Nabatid na ang biktima ay naiwang natutulog sa kanilang tahanan na nabigong mailigtas dahil masyadong malaki ang apoy.
Naapula naman ang apoy bandang alas- 5 ng hapon matapos rumesÂponde ang mga bumbero.
Pinaniniwalaang electric short circuit ang isa sa dahilan ng sunog matapos na mawalan ng kuryente at bigla itong manumbalik.