QUEZON, Philippines - – Dalawa-katao ang namatay habang 13 iba pa ang nasugatan makaraang magsalpukan ang pampasaherong bus at trak sa kahabaan ng Diversion Road sa Barangay Lalig, bayan ng Tiaong, Quezon kahapon ng madaÂling araw.
Kapwa nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Precious Denise Sinuma, 3, ng Valenzuela City; at Niel Tabuzo, 25, ng Camarines Sur.
Naisugod naman sa ilang ospital ang mga nasugatang sina Ernanie Escubido, 53; Robinson Iliw-iliw, 63; Julita Pacheco, 65; Antonio Sarmiento, 38; Gil Ejandara, 26; Ernesto Sinuma, 68; Eargel Sinuma, 9; Analou Sinuma, 21; Cristine Irish Agustino, 7; Arlene Agustino, 46; Jeffrey Lorenzo, 17; at si Wisley Robosa, 17.
Sa police report na nakarating kay P/Supt. Laudemer Llaneta, patungong Metro Manila ang Raymund Bus (EVR-704) na minamaneho ni Elizalde Eblas ng Cabuyao, Laguna nang makasalpukan ang trak (RNJ-695) na minamaneho naman ni Jesus Granada ng Bulacan pagsapit sa kurbadang highway.
Kaagad na tumakas ang driver ng trak subalit kinalaunan ay sumuko sa Calamba City PNP.